Globalisasyon
Quiz
1. Ano (anu-ano) sa (mga) sumusunod ang kahulugan ng globalisasyon?
I. Pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib
ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.
II. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw
ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
III. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya
mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
IV. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na bansa.
V. Proseso ng interaksyon at integrasyon sa
pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at
impormasyon.
A. I lamang B. I at II C. I, II at V D. I, II, III, IV at V
2. Ano (anu-ano) sa (mga) sumusunod ang nakapagpabagal ng
globalisasyon?
I. Terorismo
II. Migrasyon
III. Impormasyon
IV. Kolaborasyon
A. I lamang B.
I at II C. I, II at III D. I, II, III, at IV
3. Sino ang nag bigay diin ng pangatlong pananaw ng globalisasyon kung
saan ito ay sinasabing may anim na ‘wave’ o epoch o panahon?
A. Gibbon B.
Scholte C.
Chanda D.
Therborn
4. Isa sa mga papanaw o perspektibo ng globalisasyon ay ang penomenong
nasimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Alin (alin) sa (mga) sumusunod ang WALANG kinalaman sa mga pagbabagong
naganap sa panahon ito na sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon?
I. Pag-usbong ng
Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
II. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta
ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon
III. Pagbagsak ng
Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
IV. Paglitaw ng mga
multinational at transnational corporations (MNCs and TNCs)
A. I lamang B.
II lamang C.
I at II D. I, II, III at
IV
5. Alin sa (mga) sumusunod ang MALI
sa pahayag ng ibat-ibat perspektibo o pananaw patungkol sa kasaysayan at
simula ng globalisasyon?
I. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay
mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
II. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang maikling siklo (cycle) ng pagbabago.
III. Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat
sa bawat isa.
IV. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may sampung
‘wave’ o epoch o panahon
A. I, II, III at
IV B. I, II at III C. II at IV D. I lamang
6. Ilang perspektibo o pananaw patungkol sa kasaysayan at simula ng
globalisasyon?
A. 5 B. 4 C. 3 D. 2
7. Sa katlong pananaw ng globalisasyon; ano ang katangian ng
globalisasyon sa panahon ng Ika-4
hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century)?
A. Pananakop ng mga Europeo
B. Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
C. Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)
D.
Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon
8.
Sa ikaapat na pananaw ng globalisasyon; alin sa (mga) sumusunod ang pisibling pinag-ugatan ng globalisasyon?
I.
Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
II. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America
III. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
IV. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
II. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America
III. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
IV. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
A. I lamang B. III at IV C. II, III
at IV D. I, II, III
at IV
9.
Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo
nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C.
Sosyo-kultural D. Sikolohikal
10.
Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na
pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng
globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II.
Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming
kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon
dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B.
Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang
globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa
pamumuhay ng tao.
Key Answer
1. C
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. C
8. D
9. D
10. C
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento