|
|
Gingoog City COLLEGEs
Macopa St., Paz
Village Subdivision, Gingoog City
Professional
Education
Demonstration Lesson Plan in Araling
Panlipunan 8
I. Layunin
Sa loob ng
animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy
ang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Roma
b. Nasasabi
ang mga pinuno ng Roman Republic
c. Nailarawan
ang kolsul, diktador, patrician at plebian
II. Paksang
Aralin
Paksa: “Ang
Simula ng Rome”
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig
Araling
Panlipunan
(pahina
159-160)
Kagamitan: Hand-outs, larawan patungkol sa
mga tao sa Roman Republic (Flashcards), Mga larawan ng pinagmulan ng Roma (Slide Presentation), Laptop, DLP,
Pisara, Yeso, Talang Gawain at Sagutang Papel
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga pinuno sa ating
pamayanan.
III.
Pamamaraan
A.
Panimulang Gawain (2 Minuto)
Gawain
ng Guro
1.
Panalangin
-Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. (Susundan ng bata ang pagbigkas ng guro ng panalangin)
2.
Pagbati (1 Minuto)
-Magandang umaga mga bata!
-Maaari nang umupo ang lahat.
3.
Ehersisyo (5 Minuto)
-Sundin ang sayaw sa DLP output;
Ang pamagat ng sayaw na iyan ay
“Follow the Leader”
-Nag enjoy ba kayo?
4. Balik-Aral (2 Minuto)
-Sino ang hari ng Macedonia na
tumalo sa estado ng Athens at Thebes?
-Magaling!
B. Pagganyak (5
Minuto)
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyo na iba’t ibang larawan. Ang mga larawan
na ito ay may kinalalaman sa ating aralin.
(ipinakita ang Slide show
presentation o ang flashcards)
-Ano ang nakikita ninyo sa unang
imahi?
-Very good!
-Ano naman ang nakikita ninyo sa
ikalawang imahi?
-Tama; siya ay ang Roman Consul
-Ano naman ang nakikita ninyo sa
ikatatlong imahi?
-Ano-anong mga imahi naman ang
makikita ninyo class sa ika-apat na larawan?
C.
Paglalahad/Talakayan (15 Minuto)
(Magpapakita ang guro ng “slide presentation” para sa bagong aralin)
-Nasa inyong hand-out; ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “Ang
Pinagmulan ng Rome”
-Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ___________ siglo
B.C.E.
-Very
good! Isang Candy para sa iyo.
-Anong
salita o wikang ang ginamit ng mga Romano?
- Ayon sa isang matandang alamat; ang Rome ay itinatag ng
kambal na sina?
-Isang
candy ulit, dahil may tama ka!
-Habang
mga sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
-Sino
ang nag-aruga at nagsagip sa mga kambal?
-
Nang lumaki ang dalawang kambal at nalaman ang
kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang ___________ sa pampang
ng Tiber River noong 753 B.C.E.
- Sino ang tumalo sa Romano?
-Very
good!
-Ano-anu
ang mga itinuro ng mga Etruscan sa mga Romano?
-Sino
ang namuno sa mga Romano na nagpataboy sa mga Etruscan?
-Magaling!
-Sino
ang huling hari ng mga Etruscan nang maitaboy ito ng mga Romano sa Pamumuno
ni Lucius Junius Brutus?
- Sa halip na pumili ng hari,
naghalal ang mga Roman ng dalawang _________ na may kapangyarihang tulad ng
hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon.
- Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng ___________ na manunungkulan
sa loob lamang ng anim na buwan.
-Tama!
-Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga
konsul.
- Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan
lamang ito sa mga maharlika o _______________.
-Nice answer!
-Ano
ang tawag sa klasi ng mamayan sa Roman Republic na binubuo ng mga kapos sa
kabuhayan o mga mandirigmang mamamayan?
D.
Paglalahat (3 Minuto)
-Class,
tingnan ang mga imahi.
- Ayon sa isang matandang alamat; ang Rome ay itinatag ng
kambal na sina?
-Anong klasing mamayan sa Roman
Republic ang binubuo ng mga mayayamang angkan?
-
Ano ang tawag sa klasi ng mamayan sa Roman Republic na binubuo ng mga kapos
sa kabuhayan o mga mandirigmang mamamayan?
-Sino ang mas may makapangyarihan pa kay sa
konsul sa Roman Republic?
-Ito ay pinili ng mga Romano para
maging mamuno sa kanila na sa halip ay hari?
E.
Paglalapat (2 Minuto)
-Bakit mahalaga ang mga pinuno sa
ating kumunidad?
-Tama!
F.
Talang Gawain
[Individual Activity]
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong
lahat ng isang Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas ang inyong ballpen? May ibibigay akong isang quiz para masukat
ang inyong natutunan.
-Babasahin ko ang panuto na inyong
susundan.
Panuto: Sagutin
ang mga sumusunod na tanong; isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang.
-Bibigyan ko kayo
ng sampung (10) minuto para sa pagsagot.
-Class, always
remember na huwag ninyong kalimutan ang inyong pangalan.
-Maaari niyo nang
ipasa ang inyong mga talang gawain.
IV. Pagtataya (10
Minuto)
-[Group Activity]
-Ngayon naman ay e-group ko kayong
lahat ng tig-aapat ang bawat members ng isang grupo. Ilarawan basi sa inyong nalalaman ang mga
larawan; kung ano ang mga characteristic nito at ang kanilang papil sa Roman
Republic.
-Babasahin ko ang panuto na inyong
susundan.
Panuto: Ilarawan ang mga imahi; basi sa inyong
nalalaman ang mga larawan; kung ano ang mga characteristic nito at ang
kanilang papil sa Roman Republic.
|
Gawain
ng Bata
GCC
Ecumenical Prayer
Panginoon, maraming salamat po sa
dakilang araw na ito! Kami po ay nagpupuri at niluluwalhati ang inyong mga
kaloob na biyaya sa amin.
Gabayan po ninyo kami sa aming
pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod sa amin upang
maging mahusay mong tagapaglingkod.
Ipadala po ninyo ang inyong banal na
Espiritu upang magningas sa puso ng bawat isa sa amin ang maalab na pagnanais
na maging mahusay na mamamayan na may malasakit sa pamilya, kapwa, kalikasan
at sa mahal na bansang Pilipinas.
Ang lahat ng ito ay hinihiling
naming sa matamis at dakilang pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas. Amen.
Magandang umaga din po, Ma’am
Minorca!
-Opo ma’am.
-Opo, ma’am!
-Si Haring Philip ng Macedonia Ma’am.
-Salamat po ma’am.
-
Ang nakikita ko po ay isa po yang lobo o wolf ma’am na may dalawang batang
dumididi sa kanya.
-
Ang nakikita ko po ay isa pong tao na may hawak na baston na may nakapatong
na isang ibon.
-Ang
nakikita po naming ay isang tao na naka masid at hawak niya ang kanyan
pisngi.
-Ang
mga imahi na nakita ko sa larawan ay ang mga patrician, slave at plebian
-Ikawalong siglo ma’am.
-Salamat po ma’am.
-Ang salita o wikang ginamit ng mga Romano
ay ang Latin po ma’am.
-Ang mga kambal ay sina Romulus at Remus
ma’am.
-Salamat po ma’am.
-Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo
-Rome o Rama ma’am.
-Ang mga
Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome.
-Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling
may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga
sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.
-Noong 509 B.C.E,
namuno si Lucius
Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan.
-Pagkatapos
maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni
Lucius Junius Brutus ang isang Republika.
-Roman konsul o konsul ma’am!
-Diktador po ma’am.
- Patrician po ma’am!
-
Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at
kasapi ng Assembly na binubuo
ng mga
mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
-(Tiningnan muli ang imahi)
- Ang mga kambal ay sina Romulus at Remus
ma’am.
- Patrician po ma’am!
- Plebeian po ma’am!
-Ang diktador po ma’am.
-Ang konsul ma’am.
-Para po sila ang mag bantay sa ating
kaligtasan.
-Opo ma’am.
-(Ang mga estudyante ang sumasagot)
-(Natapos na ang pagsagot)
-Opo ma’am.
|
Inihanda
ni:
Minorca Bailo
Gurong
Nagsasanay
Iwinasto ni:
MS.
Gurong Tagapagsanay
Sinuri ni:
G.
Head Teacher, Elementary Department
Pinagtibay ni:
G.
Principal